Maraming tao ang namamatay buwan-buwan sa iba’t ibang dahilan. Accident, suicide, Malaria, TB, HIV Aids, Cancer at marami pang iba.

At sa mga nakaraang buwan, nag-cause daw ng Panic sa mga tao ang Corona Virus. Marami daw natatakot sa virus na ito.

Normal naman sa tao ang matakot. Kahit sinong pinakamatapang na tao sa buong mundo, tiyak nakakaramdam ng takot.

Pero nag-papanic nga ang mga tao dahil sa takot sa Corona Virus? Ang totoo hindi naman. Sa katunayan nga, and dami pa ding lumalabas ng tahanan sa kabila ng paulit-ulit na anunsyo sa TV, sa radyo at social media na stay at home.

Opo, Stay at home. Pero subukan mong bumisita sa mga baranggay, sa mga urban na lugar, madami pa ring nasa labas ng tahanan nag uumpukan at nag iistoryahan.

Yung ba ang senyales na natatakot ang tao sa Corona Virus? Siguro mayroong ilan na labis labis ang pagkatakot, pero ilan lang ang mga iyon.

Sa mga lockdown Barangay nga, marami pa din ang gustong lumabas upang makabili ng pangangailangan. Naka suot ng facemask at may dala-dalang hand sanitizer. Ibig ba sabihin takot na takot kaya nakasuot ng face mask? Hindi ba pwedeng nag-iingat lang? Siyempre para proteksyon na iyon.

People fall in line outside McDonalds due to Corona Virus outbreak
Picture taken from McDonalds Quezon Ave Lucena City

Ngayong, nag papanic ba ang tao dahil sa Takot sa Corona Virus? Hindi.

Mas nag papanic ang tao o mas iniisip ng tao kung papano makakakuha ng mga pangunahin pangangailangan tulad ng pagkain at gamot. Uunga naman, hindi ka nga mai-infect ng corona virus, pero baka mayari ka naman ng high blood kasi hindi ka makabili ng maintenance na gamot.

Anu pa? Yung asthma, hindi ba delikado din iyon? Paano kung atakihin ka ng hika, tapos wala kang gamot?

Pero bakit ba tila “OA” daw ang gobyerno sa pagpapatupad ng Enhance Community Quarantine? Napakahigpit daw.

Ang mahirap kasi sa Corona Virus, maaring bumilis ang pag kalat nito kung hindi pipigilan. Imagine, sa isang bayan, OO, mataas ang ang tsansa na kung ma infect ka man ay mild case lang. Pero imaginin ninyo, kung sa sa sang bayan kumalat ang infection sa sa 5,000 katao. Maa-aaccomodate ba silang lahat ng hospital? Sa ibang lugar nga hindi na tumatanggap ng pasyente kasi punong-puno na ang mga hospital. Hihintayin pa ba nating mangyari iyon?

Ang mga tao, hindi nabubuhay sa Takot sa infection ng Corona Virus o nCov outbreak. Ang ina-alala talaga ng karamihan, yung magiging buhay bukas, yung magiging buhay sa isang linngo, yung magiging buhay sa hinaharap. Biruin mo nga naman, walang trabaho, hirap makabili ng pagkain, yung tipong, para may pansaing ka mamayang gabi kaylangan mo munang kumayod.

Maswerte yung iba na may pangbili ng stock pang isang linggo, pang dalawang linggo, o pang dalawang buwan. Nakatira sa lugar na hindi naman ganoon kadami ang tao katulad ng mga urban.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, maaring inaalala ninyo ang inyong kakainin. Ano ba ang masasabi namin? HIndi sa amin mangagaling. Kasi kami man, tao lang din.

Mateo 6:26 – Sinipi mula sa Bible Gateway
26 Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila naghahasik, ni gumagapas, ni nag-iipon sa mga bangan, ngunit pinakakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba lalo kayong higit na mahalaga kaysa sa kanila?

Author

In 2010, Michael started his online career. With no formal education and training in Website Design and Development, his passion drives him to learn more using free online resources.

Write A Comment